Lumakas pa at tuluyang naging Category 5 ang hurricane Milton.
Ayon sa National Hurricane Center na mayroongl dalang lakas na hangin ito na aabot sa 160 miles per hour.
Mula pa nitong Linggo ay mabilis itong lumaksa na nagsimula sa 70 mph at sa loob ng 24 oras ay naging 160mph ang lakas nito.
Ito na ang pangalawang Category 5 na bagyo na ang una ay ang Hurricane Beryl na nanalasa sa Caribbean Sea noong Hulyo.
Tinatahak ngayon ng Hurricane Milton ang Florida na unang dinaanan ng bagyong Helene.
Nagkukumahog naman ang mga residente ng Tampa, Florida na tanggalin ang mga debris na dulot ng Hurricane Helene bago pa ang pagdating ng Hurricane Milton.
Maraming lugar na rin sa Florida ang nagpagtupad ng evacuations bilang paghahanda sa pagdating ng Hurricane Milton.