Hindi pa naisisilbi ang hustisya para sa SAF 44 na nasawi sa tinauriang 2015 Mamasapano masaccre.
Ginawa ni dating Philippine National Police – Special Action Force (PNP-SAF) chief Getulio Napeñas Jr. ang naturang pahayag ngayong araw sa kaniyang pagdalo sa idinaos na National Remembrance of the Heroic Sacrifice of the SAF 44 sa PNP academy.
Ipinunto ni Napeñas na hindi pa naisasampa ang mga reklamo laban sa mga napatay na SAF 44 na nagsagawa non ng operasyon para arestuhin ang international terrorist sa Mamasapano, Maguindanao.
Sinabi din ng dating SAF chief na nais niyang makita na masampahan ng kaso ang mga pumatay o nangmasaker sa kanilang mga kasamahan.
Tanong din nito kung sapat na ba na nagkaroon ng peace process noon. Kabilang kaso sa sangkot sa pakikipaglaban sa SAF 44 ang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na lumagda kasama ang pamahalaan para sa peace agreement.
Kung maaalala, inabswelto ng Sandiganbayan si Napeñas at dating PNP chief Alan Purisima sa kasong graft at usurpation sa kanilang pagkakasangkot sa pagpaplano ng anti-terrorist operation na tinawag na “oplan exodus” noong January 2015 na humantong sa pagkasawi ng 44 SAF commandos.
Layunin ng operasyon na i-nutralisa ang mga teroristang sina Zulkilfi bin Hir, alias Marwan, at Basit Usman.