KORONADAL CITY – Hindi na umano iniisip ng ilang mga kaanak ng Maguindanao massacre victims ang pera bilang kompensasyon sa kanila sa brutal na insidente na nangyari 11 taon na ang nakakalipas.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Justice Now Movement president Emily Lopez, inihayag nitong hustisya ang kanilang pinagtutuunan ngayon ng pansin sa halip ang kompensasyong ibibigay sa kanila.
Dagdag ni Lopez, patuloy rin ang pagtatrabaho ng kanilang legal team na magiging buo ang hustisyang makakamit lalo na’t kanila pa ring ipinaglalaban ang pagkakadismiss sa kaso ng ilan sa mga sangkot sa masaker mula sa nasa 200 na mga suspek.
Sa ngayon ay inaapela na nila ang pera na ibigay para sa ilang mga pamilya ng biktima na hindi pa natatanggap hanggang sa ngayon.
Maliban sa General Santos, isinagawa rin sa roundball sa lungsod ng Tacurong ang isang simpleng candle-lighting ceremony.
Nabatid na pinsan ni Lopez ang isa sa mga massacre victims na si Arturo Betia ng Periodico Ini na nakabase sa lungsod ng General Santos.