-- Advertisements --

NAGA CITY – Positibo ang National Union of Journalist of the Philippines (NUJP) na mahahatulan ang mga taong may sala sa likod ng Maguindanao masaccre.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Nonoy Espina, national president ng NUJP, sinabi nitong kampante sila na sa Disyembre 20 sa kasalukuyang taon, tuluyan nang maibibigay ang hustisya sa mga biktima ng naturang masaker.

Ayon kay Espina, hindi niya lubos maisip kung sakaling magkaroon pa ng pagkakataon na mabaliktad ang desisyon ng korte at pumabor sa mga akusado.

Sa kabila nito, ayon kay Espina kahit tuluyan nang makulong ang mga mastermind sa naturang masaker ngunit hindi parin aniya naibibigay ang 100% justice dahil marami parin ang nananatriling at large.

Sa ngayon, nanawagan si Espina sa mga kagawad ng media na ipagpatuloy pa rin ang pagbibigay ng mga impormasyon na dapat malaman ng publiko at huwag aniyang magpadala sa pananakot ng mga makapangyarihang tao.