KALIBO, Aklan—Nakamit narin ng pamilya ang hustisya sa pinatay na magsasakang si Metodio Inisa sa Sitio Agbanuod, Barangay Panipiason, Madalag, Aklan matapos ang halos apat na dekada.
Kasunod ito sa pagkasawi ng pangunahing suspek sa insidente na si Maria Concepcion Bacala na gumagamit ng mga alyas na “Ka Concha at Inday”, National Democratic Front Consultant at Deputy Secretary ng Kilusang Rehiyon-Panay ng CPP-NPA sa nangyaring engkuwentro ng militar sa Barangay Cabatangan, Lambunao, Iloilo noong Agosto 15, 2024.
Kabilang sa napatay ang dalawang iba pang lider ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa Panay Island.
Sa ginanap na press conference ng Aklan Police Provincial Office, inihayag ni Nemia Inisa-Mirano, kapatid ng biktima na hindi na aniya nila inasahan na mabigyan pa ng katuparan ang hinahangad na hustisya.
Ngunit, nang mabalitaan apang pagpatay kay Ka Concha ay nabunutan sila ng tinik sa dibdib.
Maalalang noong 2022 ay nahatulan ng habang buhay na pagkakulong si Ka Concha ng korte sa Taguig City matapos na napatunayang guilty sa pagpatay kay Inisa noong gabi ng September 18, 1975.
Dagdag pa ni Nemia na hindi nila makalimutan ang nangyari dahil sa harapan mismo nila pinatay ang nakakatandang kapatid nito matapos pinahintulutan ang miyembro ng Philippine Constabulary na pansamantalang magpahinga sa kanilang bahay.