Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang hustisya sa overseas Filipino worker (OFW) sa Kuwait na sinasabing pinaslang ng kanyang sariling amo.
Sinabi ni Labor Sec. Bello na hihilingin niya sa Kuwaiti government na imbestigahan ang pagkamatay ni Constancia Lago Dayag, 47-anyos, residente ng Agadanan, Isabela.
“I am taking the Kuwaiti Government to task for the gruesome death of yet another Filipino in the hands of her employer in Kuwait,†ani Bello.
Ayon sa kalihim, inatasan na niya ang Philippine Overseas Employment Administration at Philippine Overseas Labor Office sa Kuwait na hanapin ang mga foreign at local agencies na responsable sa deployment ni Dayag.
Maliban kasi paglabag sa kasunduan sa proteksyon ng mga OFWs sa pagitan ng gobyero ng Pilipinas at Kuwait, tila mayroong breach din daw sa employment contract ang foreign employer ni Dayag.
Una rito dinala pa si Dayag sa Al Sabah Hospital sa Kuwait nitong linggo matapos dahil sa iba’t ibang contusions at hematoma.
Napag-alaman ding may ipinasok na pipino sa loob ng kanyang ari.
Ayon kay Bello, pangitain lamang ito na sexually abused si Dayag bago pa man ito binawian ng buhay.