CENTRAL MINDANAO-Sinampal, sinuntok at pinagbabaril patay ang isang estudyante sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang biktima na si Aldrin Mendigoria Tangonan Jr,21 anyos,LGBT at residente ng Barangay Osias Kabacan North Cotabato.
Ayon kay M’lang Chief of Police, Lieutenant Colonel Realan Mamon na kumakain lamang ang biktima sa harap ng isang barbecue stand sa Magsaysay Avenue Barangay Poblacion M’lang Cotabato kasama ang kaibigan nito nang biglang lapitan ng suspek na kinilalang si Jerson Dulana Papna, 42 anyos, isang laborer at residente ng Bialong, Mlang.
Bigla na lamang sinampal at sinuntok ng suspek ang biktima sa harap ng kanyang kaibigan.
Hindi pa ito nasayahan sa kanyang ginawa at pinagbabaril pa ang estudyante gamit ang kalibre.45 na pistola.
Mabilis namang tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo patungong Brgy Sangat sa bayan ng M’lang.
Agad dinala sa isang pagamutan sa M’lang si Tangonan ngunit inilipat sa Kidapawan City at sinubukan pang itakbo sa lungsod ng Davao pero hindi na ito umabot ng buhay.
Nagdadalamhati naman ang pamilya ng binata at hustisya ang kanilang sigaw sa sinapit ng estudyante.
Sa ngayon ay patuloy na tinutugis ang suspek ng pulisya at sinampahan narin ito ng kasong pagpatay.