-- Advertisements --

Huwag na raw dapat pang pansinin ng gobyerno ng Pilipinas ang panawagan ng mga human rights experts sa United Nation Human Rights Council (UNHRC) na imbestigahan ang kampanya ng Duterte administration kontra iligal na droga.

Sa isang panayam, iginiit ni Senate President Vicente Sotto III na hindi na raw dapat pang pansinin ito sapagkat nag-iingay lamang aniya ang 11 independent human rights experts.

Ayon kay Sotto, nakakalito ang hiling ng mga human rights expers na ito lalo pa at mas may malala pang “killings” na napaulat sa ibang bansa bukod sa Pilipinas.

Ipinagtataka ng lider ng Senado kung bakit pinag-iinitan ang Pilipinas sa usapin na ito.

Samantala, kinuwestiyon naman din ng senador ang otoridad ng mga human rights experts na humiling na imbestigahan ang law enforcement sa Pilipinas.