-- Advertisements --

Hindi raw dapat purihin ang China sa pag-restore ng mga ito sa mga coral reefs na kanilang nauna nang nasira.

Sa isan Tweet, sinabi ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. kahapon, Abril 20, na ang Beijing ang siyang “poster boy” ng environmental restoration sa ngayon dahil sa recovery na ginagawa nito sa mga corals na kanilang nasira.

Ginawa ni Locsin ang naturang pahayag matapos na pinuri raw ng ilang sundalo ang ginagawang hakbang ng China.

“I’ve heard military men mention that with admiration; like praising the doctor who shot you for taking out the bullet and patching you up,” ani Locsin.

Batay sa mga reports, noong Enero pa raw sinimulan ng China ang restoration ng ecosystem ng mga coral reefs sa South China Sea.

Kasunod ito ng pag-usbong muli ng pagkabahala sa marine biodiversity sa South China Sea matapos sabihin ng mga Pilipinong mangingisda na napinsala ang mga corals sa Scarborough shoal makaraang nagsagawa ng mass harves ang mga Chinese vessles ng mga taclobo sa naturang lugar.