LAOAG CITY – Pinayuhan ni ABC Presidente Joseph Ulit sa lungsod ng Batac dito sa lalawigan ng Ilocos NOrte ang mga kapwa niya opisyal ng barangay na dapat ipagpapatuloy nila ang magtrabaho ng maayos.
Reaksyon ito ni Ulit matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas hinggil sa postponement ng Barangay at SK Elections na isasagawa sana sa 2020.
Sa eksklusibong interview ng Bombo Radyo Laoag kay Ulit, sinabi niya na hindi sana nila sayangin ang naibigay na pagkakataon sa kanila para pagsilbihan ang kanilang barangay.
Dagdag ni Ulit na tama lamang ang pagpapaliban ng eleksyon dahil kulang ang tatlong taon para maipatupad nilang ang mga proyektong inilaan nila para sa kanilang barangay.
Dahil sa pagpapaliban ng eleksyon ay maisasagawa na lamang ito sa taong 2022.