Tinanggal na sa pwesto ng Korte Suprema ang isang huwes na sangkot sa katiwalian sa lalawigan ng Oriental Mindoro.
Kinilala ito na si Judge Edralin Reyes na siya namang tumatayong Acting Presiding Judge sa Regional Trial Court Branch 43 sa lungsod ng Roxas.
Batay sa per curiam decision ng Supreme Court En Banc, sinabi nito na napatunayang guilty si Judge Reyes sa pangingikil ng salapi sa mga abogado, litigant at ilang opisyal ng pamahalaan.
Paliwanag pa ng kataas-taasang hukuman na nagkasala si Judge Reyes sa kasong gross misconduct.
Nabuking kasi na nagingikil ito ng pera ng ilipat na kay Judge Josephine Carranzo mula sa RTC Branch 39 ang laptop unang ipinagkatiwala kay Judge Reyes.
Natuklasan dito ang mga pag-uusap nito kay Atty. Eduardo M. Magsino, Atty. Marlo E. Masangkay, Atty. Lysander Lascano Fetizanan at Mayor Joselito Malabanan partikular na ang paghingi nito ng salapi kapalit ng paborableng desisyon.
Maliban sa pagkakatanggal sa tungkulin ay ang pagkasela ng Korte Suprema sa kanyang retirement benefits maliban sa kanyang leave credits.
Pinagbabawalan rin itong humawak ng posisyon sa lahat ng sangay at mga ahensya ng gobyerno kabilang na ang mga korporasyong pag-aari ng pamahalaan.