DAVAO CITY- Mahaharap sa tatlong buwan na pagkakasuspende ang Kontrobersiyal na Huwes ng Tagum City na humawak sa kaso ng investment scam na Rigen Marketing.
Sa inilabas na resolusyon ng Supreme Court En Banc, agad na ipapatupad ang preventive suspension laban kay Judge Virginia Tehano-Ang ng Branch 1, Regional Trial Court, Tagum.
Napag-alaman na bago lamang natanggap ni Ang ang nasabing kautusan at binibigyan ito ng labing 15 araw para sagutin ang reklamo na isinampa sa kanya ni Tagum City Prosecutor Noel Palma.
Nabatid na kabilang sa reklamo na isinampa kay Ang ay ang agaran pagsasagawa ng hearing para makapag-bail bond sa kasong syndicated Estafa ang Founder ng Rigen Marketing Investment Scam na si Paul Auditor sa loob ng Compound ng Davao del Norte Provincial Jail.
Kung maalala si Pauli Auditor ang isa sa mga utak ng investment scam sa Tagum kung saan milyong halaga ng pera ang hindi na naibalik sa mga investors noong taong 2019.