-- Advertisements --
DAVAO CITY – Inatasan na ngayon ng Korte Suprema ang court administrator ng Nabunturan, Compostela Valley RTC sa probinsiya ng Davao de Oro na magsumite ng report sa loob ng 15 araw patungkol sa posibleng paglabag ng presiding judge at ng kanyang mga staff sa quarantine guidelines.
Ito ay matapos na mag-celebrate ng kanyang birthday noong nakaraang linggo.
Nauna nang magpalabas ng Supreme Court ng show cause order laban kay Judge Cresenciana Dela Cruz Cruz ng Nabunturan, Compostela Valley RTC, Branch 3 at sa mga empleyado nito.
Sinasabing nagpa-buffet si Judge dela Cruz sa loob nga kanyang chamber na malinaw na isang malaking paglabag at pagbaliwala sa istriktong guidelines patungkol sa pagpapatupad ng social distancing.