-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nasampahan ng kasong paglabag ng Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act of 2022 ang itinuring na high value target (HVT) suspek nang unang maaresto sa anti-illegal drug buy bust operation sa Barangay Maria Cristina,Iligan City.

Kinilala ang suspek na si Arnel Asuncion,nasa legal na edad at umano’y negosyante na nagmula sa Davao del Sur.

Sinabi ni PDEA 10 Director Jigger Montallana na nakompiska mula sa suspek ang higit-kumulang P26-M na halaga ng nasa apat na kilo ng suspected shabu na nakasakay ng minaneho nito na kulay asul na pribadong sasakyan.

Inihayag ni Montallana na ang maaring nagmula pa sa Davao region ang biyahe ng suspek at dumaan sa Lanao del Sur provinces bago tumungo sa mga lugar sa Northern Mindanao.

Samantala,mas pinili ng suspek na manahimik nang sinubok kunan ng kanyang panig hinggil sa pagka-aresto nito ng PDEA operatives kasama ang pulisya at militar sa lungsod ng Iligan.