-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nahuli ng mga otoridad ang High Value Target na drug dealer sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang suspek na si Ariel Daguruan,45 anyos,may asawa,dating job order employee ng LGU-Alamada at residente ng Sitio Overflow Barangay Polayagan Alamada North Cotabato.

Ayon kay Midsayap Chief of Police Lieutenant Colonel John Miridel Calinga na nagsagawa ng anti-drug operation ang Alamada Municipal Police Station (MPS) sa panggunguna ni Major Sonny Leoncito at Cotabato PNP.

Pagdaan ng suspek sa Army at Cafgu detachment sa Brgy Poblacion 7 Midsayap Cotabato ay doon na siya hinarang ng mga pulis.

Narekober sa posisyon ng suspek ang tatlong pakete ng shabu na tinatayang 120 grams,cellphone,mga drug paraphernalia,Starex na sasakyan at mga personal na kagamitan.

Sinabi ni Alamada Chief of Police,Major Sonny Leoncito na matagal na nilang minamatyagan ang galaw ng suspek na sangkot sa illegal drug trade sa North Cotabato at Mguindanao.

Sa ngayon ay nakapiit na ang suspek sa costudial facility ng Alamada PNP at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.