-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Ipapatupad ang ‘hybrid’ alumni homecoming ng Philippine Military Academy (PMA) dahil parin sa banta ng COVID19 pandemic sa darating na Pebrero 12-14. .

Ayon kay PMA spokesperson Major Cherryl Tindog, inaprobahan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) at lokal na gobierno ng Baguio ang pagtitipon sa Grandstand ng PMA sa Fort Gregorio del Pilar dito sa syudad.

Aniya, aabot lamang sa 30 porsyento ang pisikal na dadalo sa pagdiriwang at 90 na alumni at awardees lamang ang nagkumpirmang dadalo.

Samantala, maari namang makasali ang ibang hindi makakadalo ng personal sa homecoming sa pamamagitan ng Zoom Video Teleconferencing

Bilang pagsunod naman sa health protocols, lahat ng dadalo ay kailangang kumuha ng medical certificate na may negatibong resulta ng RT-PCR result at travel authority mula sa local police.

Gaganapin ang Annual General Membership Assembly sa Pebrero 12 kung saan si Senate President Vicente Sotto III ang magsisilbing Guest of Honor at Speaker at magsisilbi namang Guest of Honor at Speaker sa awarding ceremony si Chief Justice Diosdado Peralta

May tema ang pagdiriwang na “Passing on a Brighter Torch to our Successors.”