-- Advertisements --
Lalong lumakas ang posibilidad na maging hybrid system na ang mga susunod na halalan sa ating bansa.
Ito ang sinabi ng election lawyer na si Atty. George Garcia sa panayam ng Bombo Radyo, kasunod ng mga ulat na problema sa nakaraang midterm elections.
Ayon kay Garcia, nakakita na sila ng suporta sa ganitong sistema mula sa mga opisyal ng Kamara at Senado sa mga nakalipas na araw.
Aminado rin ang abogado na malaking bagay sa pagbabago sa automated system ang mga pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte hinggil dito.
Giit pa nito, kung matutuloy ang hybrid system, hindi na kakailanganin ang random manual audit dahil makikita na agad kung tugma ang bilangan ng makina at ng mga taong nakaabang sa halalan.