-- Advertisements --
eliseo rio

Mas mabilis na pagpapalabas ng election result na aabot lamang sa limang oras matapos magsara ang mga polling precint ang target ng Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa presidential elections sa 2022.

Ayon kay Acting Secretary Eliseo Rio Jr., ang nais nilang hybrid poll system o ang “automated manual counting” ay kayang mailabas ang resulta ng mga nanalong kandidato nang hindi lalagpas sa limang oras.

Sa ngayon, patuloy umanong pinag-aaralan ng DICT kung paano pabilisin ang manual counting sa precinct level.

Nais na rin nilang tanggalin ang pag-tally sa mga boto sa blackboards at bawasan ang bilang ng mga board of canvassers.

Magtatakda naman daw petsa ang DICT para maiprisinta ang prototype ng hybrid system sa publiko at kanilang isusumite ang kanilang plano sa Commission on Elections (Comelec).