Naktakdang ipatayo ang isang hybrid power plant sa Pagadian city, capital ng probinsiya ng Zamboanga del Sur.
Ito kasunod na rin ng nilagdaang memorandum of cooperation ng alkalde ng Pagadian na si Mayor Samuel Co at Oltam Development na dinaluhn ni French Ambassador to the Philippines Michele Boccoz.
Target na makumpleto ang naturang proyekto sa ikalawang quarter ng taong 2025.
Makakatulong ang nasabing hybrid power plant para mapababa ang halaga ng elektrisidad sa oras na maging operationa na ito sa Pagadian city at karatig na mga barangay.
Ayon pa sa local executive na isang paraan ang renewable energy tungo sa pagkakaroon ng isang tuluy-tuloy na access sa bagong pagkukunan ng enerhiya at pagpapanatili ng balanseng paggamit nito nang hindi nasasakripisyo ang kalikasan.