-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Iminungkahi ng grupong Kontra Daya sa Commission on Elections (Comelec) na magkaroon ng ‘hybrid system’ option kaugnay sa vote counting machine election sa bansa sa Mayo 12.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Kontra Daya convenor Professor Danilo Arao na kailangan ito dahil walang kasiguruhan kung kakatigan ng Korte Suprema ang Comelec sa pag-acquire ng serbisyo ng Miru Systems na kasalukuyang kinu-kuwestiyon ng ilang election watchdogs.

Sinabi ni Arao na mas mainam na paghandaan ng ahensiya ang midterm elections gaya nang pagsusulat na lang pangalan ng mga kandidato sa balota kaysa aasa ng kabubuan sa sistema ng Miru.

Nag-ugat ang kuro-kuro ng grupo kaugnay sa nabaliwala na higit anim na milyong balota na tapos nang na-imprinta dahil sa kautusan ng Korte Suprema ukol sa limang personalidad na maihabol sa official list of caniddates sa May 12 elections.