-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang inagurasyon sa 24.9-Megawatt na Lake Mainit Hydroelectric Power Plant sa bayan ng Jabonga, Agusan del Norte kaninang alas-nueve ng umaga.

Ang nasabing hydroelectric power plant ay syang katuparan sa unang State of the Nation Address o SONA ng pangulo na naglalayong ma-mitigate ang impact ng climate change at malabanan ang iba pang mga environmental threats sa pamamagitan ng advance renewable energy para na rin sa kapakanan ng mga Filipino.

Ang total capacity na 24.9 megawatts ng Lake Mainit Hydroelectric Power Plant ay naglalayong mai-deliver ang maaasahan at accessible na elektrisidad para sa mga kinsumidor ng Agusan del Norte Electric Cooperative, Inc. O ANECO at susuporta rin sa lumalaking demand ng enerhiya mula sa residential and commercial sectors ng Caraga Region.

Hinikayat din nito ang provincial government ng Agusan del Norte nga magbigay sa kakailanganing assistance upang matiyak ang episyente, kaligtasan at pagiging produktibo ng nasabing power plant.