-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na normal lamang ang paminsan-minsan na pagtaas ng volcanic earthquakes sa bulkang Bulusan sa Sorsogon.

Ito matapos na makapagtala ng 23 volcanic quakes kahapon.

Ayon kay Phivolcs resident volcanologist April Dominguiano sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na nagpapatuloy ang hydrothermal activities ng naturang bulkan.

Paliwanag nito na nagkakaroon ng pagbitak ng bato sa ilalim ng Bulusan volcano kaya nagkakaroon ng pressure at nakakapagtala ng mga pagyanig sa paligid.

Nabatid na batay sa tala ng tanggapan ay umabot na sa 1, 083 volcanic earthquakes ang naitala sa Bulkang Bulusan ngayong 2024.

Samantala, sinabi ni Dominguiano na hindi pa ikinokonsidera ang pagbababa ng kasalukuyang alert level 1 sa Bulusan volcano.