Pumalpak ang ginawang test ng US Air Force ng kanlang ultra-fast hypersonic missile sa Edwards Air Force Base sa California.
Inaalam na rin ng US Air Force ang naging problema sa kanilang AGM-183A Air-launched Rapid Response Weapon (ARRW) progam na nakakabit sa kanilang B-52-H Stratofortress bomber aircraft.
Ayon kay Brig. Gen. Heath Collins, ang armament directorate program’s executive officer, na nakakadismaya ang pangyayari at tiniyak nila na kanilang aayusin ang naging aberya.
Itinuturing na isang malaking setback ito ng US sa pakikipag-unahan nila sa US at Russia sa paggawa ng mga hypersonic weapons.
Magugunitang ipinagmalaki ng Russia ang tagumpay ng kanilang hypersonic weapons programs.
Taon 2014 ng magsagawa ng hypersonic test ang China habang 2016 ng isagawa ng Russia ang kanilang test ng hypersonic glide vehicle o kilala bilang Avangard na nilagyan ng nuclear warheads mula sa SS-19 intercontinental ballistic missiles.