-- Advertisements --

Idinaan ni EJ Obiena ang kanyang panawagan sa mga kababayan na siya ay suportahan at ipagdasal sa pinakamalaking laban sa kanyang career.

Ernest John EJ Obiena

Simula alas-6:20 ng gabi bukas ang finals ng men’s pole vault na gaganapin sa Tokyo Olympic Stadium.

Ayon kay Obiena, mga bigatin ang kanyang mga kalaban.

Una nang umusad ang 14 na mga athletes sa finals kasama na ang world champion at paboritong mananalo na si Armand Duplantis ng Sweden at dating Rio Olympics bronze medalist Thiago Braz ng Brazil.

“Pole vault finals happening tomorrow Aug 3 at 6:20pm Philippine time. Once again, I am asking for your prayers while I go against the world’s best. I rest it all to You, Lord,” ani Obiena sa kanyang apela.

pole