Nagbabala si US President Donald Trump na pababagsakin umano nito ang ekonomiya ng Turkey kung itutuloy ng Ankara ang military stike nito laban sa Syria.
Kasunod ito nang pag-anunsyo ng White House sa tuluyang pag-pull out ng Estados Unidos sa kanilang pwersa militar na ipinadala sa Syria.
Ayon kay Trump, hindi raw ito magdadalawang isip na sirain at durugin ang ekenomiya ng Turkey tulad na lamang na ginawa niya noon.
Sa pagtanggal ng US forces sa Hilagang-Silangan ng Syria, maiiwan ang Kurdish-led forces na labanan ang Turkish military.
Inamin din ni Trump na matitikman umano ng Turkey ang kaniyang galit sa oras na galawin nito ang Syria.
Taong 2018, nang taasan ng US ang buwis sa ilang produkto ng Turkey at pinatawan din nito ng sanction ang ilang Turkish officials.