Bumuhos ang pakikiramay sa pagpanaw ng singer na si Johnny Nash.
Kinumpirma ito ng kaniyang anak na si John Nash kung saan pumanaw ang ama sa edad 80.
Nakilala ang singer sa kanta nitong “I Can See Clearly Now” na sumikat noong 1972.
Nagsimula ang kaniyang pagkanta noong 1950 at 1960 k ung saan kasama niya si Danny Sims ay bumuo ng JAD Records.
Habang nakatira Jamaica ay nakasama niya ang singer na si Bob Marley at bandang The Wailers.
Tinuruan niya si Bob Marley na kumanta habang tinuruan siya nitong tumugtog ng reggae.
Apat na linggo itong nanatiling number 1 sa Billboard Hot 100 noong Nobyembre 4, 1972.
Siya rin ang nasa likod ng kanta sa cartoon series na “The Mighty Hercules” na sumikat noong 1960.
Itinuturing siya ang unang non-Jamaican singer na nag-record ng reggae music sa Kingston, Jamaica.