Nagsalita na rin sa unang pagkakataon ang Hollywood star na Alec Baldwin mahigit isang buwan matapos ang nangyaring trahedya sa shooting ng ginagawang pelikula na “Rust” sa Santa Fe, New Mexico.
Kung maalala batay sa unang report noong October 21, habang nagso-shooting nabigyan umano ng prop na baril si Baldwin at sinabi sa kanya na wala itong live bullets o blangko.
Pero nang iputok daw ito ay biglang tinamaan ang babaeng cinematographer na si Halyna Hutchins na ikinamatay nito habang sugatan din ang direktor ng pelikula na si Joel Souza.
Sa pagsasalita ngayon ni Baldwin sa programa ni George Stephanopoulos sa ABC news, naiyak ang aktor.
Ayon sa 63-anyos, hindi siya ang kumalabit sa gatilyo ng baril.
Dagdag pa niya, kailanman ay hindi pa niya ginawa na itutok ang baril at ito ay kalabitin.
Sinabi pa ng veteran actor, meron umanong naglagay ng live bullet sa baril na hindi dapat ginawa sa set ng kanilang pelikula.
Sa ngayon may ilang kaso na rin na inihain laban kay Baldwin pero hindi pa nagsasampa ang pamilya ng yumaong cinematographer.
“The trigger wasn’t pulled. I didn’t pull the trigger,” ani Baldwin kay Stephanopoulos na ang kabuuang interview ay ilalabas sa sunod na araw. “I would never point a gun at anyone and pull the trigger, never.”