Nagsalita na sa unang pagkakataon si Pope Francis laban sa kaniyang mga kapwa pari na patuloy ang pag-kritisa sa mga hangarin nito para sa simbahang Katoliko.
Ito ay matapos akusahan ng ilang Catholic leaders sa iba’t ibang panig ng mundo ang nagpahayag ng kanilang pagnanais na mag-resign sa pwesto si Pope Francis.
Hindi suportado ng mga ito ang pagpayag ng santo papa sa divorce at muling pagpapakasal ng mga taong dumaan sa hiwalayan.
Pag-amin ng santo papa, hindi raw siya takot kahit mahati pa ang simbahan dahil sa mga catholic leaders na tanging naiisip lamang ay pagpapalit ng santo papa, istilo at pagiging dahilan ng unti-unting pagkawala ng tiwala ng mamamayan sa simbahan.
Dagdag pa nito, malaki rin daw ang nagiging epekto ng political ideology upang pag-isipan siya ng masama ng kaniyang mga kasamahan.
Aniya, ginagaya lang umano nito ang mga naging komento ng yumaong si Pope John Paul hinggil sa social issues ngunit hindi niya alam kung bakit ngayon ay minamasama na ito.