-- Advertisements --

Nais ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na huwag nang madungisan pa ng kontrobersiya ang kakatapos lamang na halalan.

Kaya kung siya raw ang tatanungin, mas nais niyang iproklama ang mga nanalo sa halalan kapag 100 percent nang transmitted ang lahat ng election returns mula sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Sa isang panayam, sinabi ni Guanzon na mas gugustuhin din daw niyang isagawa na lamang ang proklamasyon sa mananalong 12 senador ng minsanan o isahan na lamang.

Gayunman, sinabi ni Guanzon na magpupulong daw muna ang National Board of Canvassers para alamin kung sapat na nga ba ang percentage ng election returns na na-transmit para i-proklama ang mga nanalong kandidato.