Pormal nang inanunsiyo ngayon ni PNP chief Gen. Oscar Albayalde na epektibo ngayong araw ang kanyang non-duty status o terminal leave.
Ginawa ni Albayalde ang pahayag sa huling flag raising na kaniyang pinangunahan sa Camp Crame sa Quezon City.
Ayon kay PNP chief, naisumite na niya ang sulat kay DILG Sec. Eduardo Año.
“Over the weekend, I had the opportunity to talk to the SILG Sec Eduardo Año, about the events that have transpired in recent days, particularly the Senate investigation on the alleged “agaw-bato” issue in which I am being implicated,” mensahe ni Albayalde.
Si deputy chief for administration Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa, ang PNP’s second-in-command, ang pansamantalang papalit sa pwesto ni Albayalde in an acting capacity hanggang sa may itatalaga na siyang bagong PNP chief si Pangulong Rodrigo Duterte.
Hihintayin na lang ni Albayalde na dumating ang araw ng kanyang pagreretiro sa Nobyembre 8.
Matatandaan nadawit ang pangalan ni Albayalde sa umano’y ninja cops noong ito ay naka-assign pa sa Pampanga sa isyu ng kanyang mga tauhan na na nagre-recycle ng mga ebidensyang iligal na droga na kanilang nakukumpiska.
Sa talumpati ni Albayalde sa flag raising, muli niyang denipensahan niya ang kaniyang sarili na hindi siya kinasuhan sa maanomalyang 2013 Pampanga drug operations at hindi siya kailanman nakinabang sa nasabing operasyon.
Nagpasalamat din siya kay Pangulong Duterte sa tiwala gayundin sa lahat ng mga pulis binubuhos ang dedikasyon sa pag serbisyo.
Ang huling utos ni Albayalde sa pambansang pulisya bilang PNP chief ay ituloy nila ang pagseserbisyo sa taongbayan.
Paliwanag din nito na ang kaniyang hakbang ay para hindi na madawit pa ang PNP sa kaniyang kinakaharap na asunto.
“After careful thought and deliberation, I have come to the decision to relinquish my post as Chief, PNP effective today and go on a non-duty status. I have submitted my letter of intent to Secretary Ano which he accepted and favorably endorsed to the President,” pahayag pa ni Albayalde.