-- Advertisements --
cardinal jose advincula
Archbishop Jose Advincula of Capiz

Hindi pa rin umano makapaniwala si Bishop Jose Advincula na itinaas pa ni Pope francis ang kanyang ranggo bilang cardinal.

Inamin ng 68-anyos na obispo, bago ang pag-anunsiyo ng Santo Papa, wala man lamang siyang naririnig na mga usap-usapan.

Sa buong akala raw niya ay nagkamali sa kumunikasyon ang Vatican lalo na at tatlo ang obispo sa Panay Islands na merong “Jose” ang pangalan.

“I don’t want to believe it because I have not heard anything, even small talks, there is none,” ani Advincula sa press conference. “And my first reaction was maybe they had an error in communication.”

Ang appointment ni Advincula kasama ang 12 pang mga bagong kardinals mula sa ibang mga bansa ay isasapormal sa November 28, ang vigil ng First Sunday of Advent.

Si Advincula na isa ring canon lawyer, ay nagsilbi bilang obispo ng San Carlos sa loob ng 10 taon bago siya hinirang na arsobispo ng Capiz noong November 2011.

Sa ilalim ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, siya ang kasalukuyang vice chairman ng Commission on International Eucharistic Congress and the Office on Women.

Gayundin dati siyang chairman ng bishops’ Commission on Culture.

Ang cardinal-elect na si Advincula ang ikaapat sa living Filipino cardinals, kasama si Luis Antonio Cardinal Tagle ang namumuno sa Congregation for the Evangelization of Peoples ng Vatican at ang dalawang mahigit 80-anyos na sina Cardinal Orlando Quevedo at Gaudencio Rosales.

“I was surprised! I haven’t thought about it nor crossed my mind that this time will come as I serve the Church,” pag-amin pa ng kanyang kabunyian. “My initial reaction is the fear of that responsibility.”