-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Binigyang-diin ng Internal Security Service (IAS) ang pagkakaron ng integridad at mataas na respeto ng mga pulis sa kanilang organisasyon bilang frontliner pagbigay proteksyon sa taong-bayan ng bansa.

Ganito ang tagubilin ni IAS Inspector General Atty Brigido Dulay nang magsagawa sila ng inspection pag-audit particular sa buong hanay ng Police Regional Office 10 na nakabase sa Camp Alagar ng Cagayan de Oro City.

Sinabi ni Dulay na dapat alalahanin ng mga pulis na pagkakaroon ng respeto mula publiko ay hindi maidadaan ng dahas bagkus ay magmula mismo sa kanilang mga sarili.

Aniya, dapat sa lahat ng panahon ay maayos ang pakikitungo ng mga pulis sa komunidad upang mapanatili nito ang mataas na paggalang para sa buong institusyon.

Aminado ito na nabalot man ng mga kontrobersya ang PNP subalit hindi nangangahulugan ng panghinaan sila ng loob bagkus ay sabay na harapin para maiwasto ang mga pagkukulang at kamalian ng iilan.