-- Advertisements --

Umapela sa lokal na pamahalaan ang COVID-19 task force ng gobyerno na tulungan ang mga negosyo na apektado ng pandemya sa kanilang area of responsibility.

Naglabas ng resolusyon ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF) kung saan pinakiusapan nito ang LGU na magbigay ng regulatory relief sa mga apektadong negosyo.

Kung maalala, ipinatupad sa bansa ang pagpapataw ng mga paghihigpit upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 kung saan iilan sa mga establisyemento ang nagsara.

Napag-alaman na dahil sa pandemya, umabot sa 3.8 million Pinoy ang nawalan ng trabaho hanggang buwan ng Oktubre. (with report from Bombo Jane Buna)