-- Advertisements --

Tatalakayin ng Inter-agency Task Force for infectious disease (AITF) ang hiling ng Simbahang Katolika na magsagawa ng misa ngayong Semana Santa.

Sinabi ni Department of Justice Secretary Menardo Guevarra, na isasagawa ngayon araw Marso 25 ang pagpupulong para sa nasabing usapin.

Nauna ng nagpalabas ng pastoral letter si Bishop Broderick Pabillo, ng Archdioces of Manila na bubuksan nila ang simbahan subalit hanggang 10 percent capacity lamang ang kanilang papapasukin.

Paliwanag ni Pabillo na ang ginawa nila ay hindi paglabag sa IATF resoltuion at sa halip ay karapatan aniya nila bilang mananampalataya.