-- Advertisements --
GENERAL SANTOS CITY – Binigyan na ng deadline ng Inter Agency Task Force on COVID 19 si South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr hanggang sa katapusan na lamang ng buwan para i-turnover ang SOCCSKSARGEN Regional Hospital.
Ayon kay South Cotabato 2nd District Rep. Ferdinand Hernandez, nagpadala ng demand letter si COVID-19 Response chief implementer Sec. Carlito Galvez kay Governor Tamayo na ibigay na ang pangangasiwa ng nasabing hospital sa Department of Health.
Dagdag ni Hernandez na may budget ang regional hospital na P45-milyon sa 2021.
Kinumpirma din nito na sa buong bansa ang Region 12 na lamang ang walang regional hospital.
Kung mabuksan na ito sa susunod na taon, inaasahang magbibigay ito ng oporunidad sa maraming trabaho.