-- Advertisements --

Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang pagmandato ng Safety Seal para makakuha ng business permits ayon sa opisyal ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III, magiisyu ang kagawaran ng memorandum circular sa mga local government units para sa pag-require ng Safety Seal sa partikular ba industriya partikular na sa mga negosyong closed door.

Aniya, tanging 6% lamang sa mga negosyo sa bansa ang mayroong Safety Seals sa nagyon.

Nauna ng naatasan ang mga LGUs na maginspeksyon at magbigay ng Safety Seal sa mga pribadong establishimento gaya ng mga mall, wet markets at iba pang retail stores, mga restaurant sa labas ng mga hotel at resort, Fast food stores, eateries at iba pang mga establishimento.

Ang Safety Seals ay nagpapakita ng compliance ng mga establishimento sa Covid19 health protocols. Ito ay valid hanggang anim na buwan mula sa issuance date nito maliban na lamang sa mga naisyu sa tourism enterprises na valid hanggang isang taon.