-- Advertisements --

Inaasahang aaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na isailalim na sa modified general community quarantine (MGCQ) ang buong bansa simula Marso 1.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, maging ang mga Metro Manila mayors ay sumang-ayon na rin rito at kailangan na lamang ng pag-apruba ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Sec. Roque, sa Lunes matapos ang meeting sa IATF iaanunsyo ni Pangulong Duterte ang kanyang rekomendasyon.

Maging ang League of Provinces of the Philippines (LPP) ay nagsabing pabor na rin sila sa pagsasailalim ng buong bansa sa MGCQ basta may otoridad ang mga gobernadors na magpatupad ng lockdown o baguhin ang kanilang quarantine status kung kinakailangan.