Niluwagan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang mga panuntunan sa interzonal travel para sa mga fully-vaccinated person kabilang na ang mga senior citizens.
Sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque, na base sa IATF Resolution 124-B na ang mga interzonal travelers na fully vaccinated laban sa COVID-19 ay maaaring ipakita na lamang ang kanilang COVID-19 vaccination proof imbes na ang kanilang COVID-19 test results.
Ayon sa IATF Resolution 124-B na ang mga indibidwal ay maikokonsidera na fully vaccinated dalawang linggo matapos na matanggap ang ikalawang dose ng bakuna at kapag ang bakuna ay mayroong emergency use authorization o Compassionate Special Permit (CSP) ng Food and Drug Administration (FDA) o mula sa Emergency Use Listing ng World Health Organization (WHO).
Kung walang vaccination card ay maaring ipakita ang certificate of quarantine completion na mula sa Bureau of Quarantine.
Lahat din aniya ng mga bumabiyahe ay kailangan din na sumailalim sa health and exposure screening protocols pagdating nila sa kanilang desitnasyon.