-- Advertisements --

Maaari ng makapasok sa bansa ang mga biyahero sa pamamagitan lamang ng pagpresenta ng antigen test.

Ito ay kasunod na rin ng pagpapahintulot ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa paggamit ng rapid antigen test na isinagawa ng healthcare professionals bilang entry requirement para sa mga travelers.

Ayon kay Acting Presidential Spokesperson and Communications Secretary Martin Andanar, dapat na ang ipapakitang antigen test ay administrered at sertipikado ng heathcare professionals sa isang healthcare facility, laboratoryo, clinic, parmasiya o iba pang kaparehong establishimento mula sa pinagmulang bansa ng biyahero.

Liban pa dito, dapat na ang mga banyagang papasok sa bansa ay dapat na fully vaccinated laban sa covid19 at dapat na may maipresentang proof of vaccination.

Kaugnay nito, inaprubahan din ng inter-agency task force ang mga vacciantion certificates mula sa Bangladesh, Mexico, panama at Slovak Republic.