-- Advertisements --
Pinayagan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang pagsasagawa ng coronation night ng Binibining Pilipinas 2021.
Gaganapin ang nasabing pageant sa darating na Hulyo 11 sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.
Sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na ang mga kasali at bisita sa nasabing pageant ay dapat sumailalim sa COVID-19 RT-PCR test sa loob ng 48 oras bago ang event.
Tatanghalin sa pageant ang kakatawan ng bansa sa Miss Grand International, Miss International at Miss Intercontinental.
Aabot naman sa 34 na mga contestant ang kalahok ngayong 57th edition ng Bb. Pilipinas.