-- Advertisements --

Nilimitahan na lamang ang dadalo sa anumang pagtitipon mula 50-hanggang 70% sa venue capacity sa probinsya ng Cotabato.

Matatandaan na isinailalim na sa Alert level 3 system ang probinsya hanggang sa katapusan ng Enero.

Ayon kay Cotabato 2nd District Board Member at Inter-Agency Task Force on Covid 19 spokesman Dr Philbert Malaluan, batay sa bagong panuntunan, ang lahat ng indoor activity katulad ng parties, wedding, birthday at iba pa ay 30 percent na lamang at dapat lahat ng papasok ay nakapagbakuna na.

50 percent naman ang outdoor venue capacity.

Ang limited face to face o in person classes para sa higher education and technical vocational educational and training ay nilimitahan na rin.