-- Advertisements --
DAVAO CITY – Sisimulan na ngayong araw ang stress debriefing sa mga nabiktima ng malakas na lindol sa Makilala, North Cotabato.
Ayon sa Philippine Association of Social Workers Inc., mahalaga umano na sumailalim ang mga biktima sa nasabing hakbang para mawala ang trauma na kanilang naranasan lalo na ang mga bata matapos ang sunod-sunod na lindol sa Mindanao.
Pupuntahan ngayong araw ang nasabing lugar ng mga psychologist at mga social workers sa Makilala, Cotabato para manguna sa isasagawang stress debriefing.
Ayon pa kay Liwayway Caligdong, executive director Paswi-Mindanao Chapter, kailangan na tulungan ang mga biktima ng lindol na makabangon at makabalik sa kanilang normal na buhay sa gitna ng naranasan nilang trahedya.