Nadagdagan pa ang mga dam na nagpapakawala ng tubig dahil sa mga pag-ulang dulot ng umiiral na Shear line.
Kaninang umaga(Dec. 3), nagpapatuloy na nagpapakawala ng tubig ang Ambuklao Dam at Binga Dam.
Ngayong hapon, nag-abiso na rin ang Magat Dam na magbukas ng isang gate bilang paghahanda sa posibleng paglakas pa ng mga pag-ulan.
Sa kasalukuyan, nagpapakawala ng 53.60 cms ng tubig ang Ambuklao Dam mula sa isang gate na nakabukas.
Ang Binga Dam naman ay may dalawang gate na nakabukas at mayroong 60 sentimetro na opening.
Nagpapakawala ito ng kabuuang 97.20 cms ng tubig.
Batay sa naunang report ng Hydrology Division ng state weather bureau, ngayong araw, nakitaan ng pagtaas ang lebel ng tubig sa anim na pangunahing dam sa Luzon.
Kinabibilangan ito ng Angat Dam, Ipo, Binga, Magat, Caliraya, at ang pinakamalaking dam sa Pilipinas na San Roque Dam.