-- Advertisements --
Nadagdagan na naman ang bilang ng mga Senate Republicans na handang kilalanin si President-elect Joe Biden bilang pangulo ng Amerika.
Ngunit, tumanggi sila na sabihin na si Biden ang nanalo sa halalan at manumpa na ito sa January 20.
Hanggang ngayon kasi nagmamatigas pa rin si US President Donald Trump na mag-concede.
Sinabi ng ilang kaalyado ni Trump na pababayaan nila ang US President kung ano ang gagawin nito pagkatapos ng inagurasyon.
Kung maalala, nauna nang hinarang ng House Republicans ang resolusyon na kumilala kay Biden bilang bagong pangulo ng Amerika.