Iniulat ng Armed Forces of the Philippines na marami pang ibang mga bansa ang nagpahayag ng kagustuhang makilahok sa isasagawang joint maritime patrols ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ito ang kinumpirma ni AFP spokesperson Col. Medel Aguilar sa isang pahayag.
Kabilang aniya rito ay ang mga bansang Australia, at Japan kasama ang iba pang mga bansang bukas sa naturang ideya na nakatakda namang ianunsyo ng AFP.
Ayon sa opisyal, ito ay bunsod ng iresponsable at agresibong mga aksyon ng China Coast Guard sa West Philippine Sea na nagdudulot ng “global isolation” ng China partikular na sa claim nito sa nasabing lugar.
Kung maaalala, sa nakalipas na mga buwan ay nakasama na rin ng Pilipinas ang iba’t-ibang mga bansa sa ilang mga aktibidad na ikinasa nito