Ipapasuri ni Cebu City Mayor Edgardo Labella ang iba pang mga ilog sa lungsod ng Cebu kung nagpositibo ba ang mga ito sa poliovirus Ito’y kasunod sa inilabas ng Department of Health(DOH) na nagpositibo nito ang Butuanon river sa Mandaue City.
Sa isang interview, sinabi ng mayor na kung kontaminado sa poliovirus ang nasabing ilog na isang type C river, kailangang suriin din ang iba pang mga ilog nitong lungsod.
Hindi maaring inumin o kaya’y ipaligo ng mga tao ang isang type C river.
Kabilang sa gustong ipasuri ni Labella ang mga pangunahing ilog sa lungsod kabilang ang Bulacao, Lahug, Guadalupe, Tejero, Tinago, at Kinalumsan.
Aniya, magsilbi itong precautionary measure sa iba pang daanan ng tubig lalo na ang pangunahing ilog na malapit sa residential area.
Samantala, hinimok naman ni Vice Mayor Michael Rama ang mga residenteng malapit sa Butuanon river na iwasan ang pagkakaroon ng contact sa tubig nito.
Dagdag pa niya na kalakip sa precautionary measure laban sa Coronavirus Disease 2019 (Covid-19), isinama dito ang paghahanda at mga pag-iingat na kinakailangan para sa poliovirus kabilang na ang pagpapabakuna ng mga kalapit na residente.