-- Advertisements --
Inaasahang hahabol ang iba pang kompaniya, matapos magpatupad ng bawas presyo sa produktong petrolyo ang Phoenix Petroleum Philippines.
Sa inilabas nilang advisory, pumalo sa 50 sentimos na tapyas ang para sa presyo ng kada litro ng gasolina.
Habang ang diesel naman ay 10 sentimos ang rollback sa bawat litro.
Ang price reduction ay naging epektibo kaninang alas-6:00 ng umaga.
Habang ang iba ay sa Martes pa magkakaroon ng bawas presyo.