-- Advertisements --

Nagsunuran na rin ang iba pang kompaniya ng langis sa pag-anunsyo ng kanilang rollback sa mga produktong petrolyo.

Nauna rito, nagpatupad kaninang alas-12:00 ng tanghali ang Phoenix Petroleum Philippines.

Kung saan aabot sa P1 ang ibinawas sa kada litro ng gasolina at 80 sentimos sa diesel.

Pero ang Shell ay magpapatupad pa ng bawas presyo sa Martes, kung saan 90 sentimos lang ang bawas sa halaga ng bawat litro ng gasolina, 80 sentimos sa diesel at kerosene.

Samantalang ang Petro Gazz ay magpapairal naman ng rollback na 80 sentimos sa bawat litro ng kanilang diesel, simula sa Lunes.