Pinipigilan umano ng State Department sa ilalim ng Trump administration ang mensahe ng iba pang mga foreign leader para kay presumptive US President Joe Biden.
Sa kaugalian, sinusuportahan ng State Department ang lahat ng mga komunikasyon para sa hinirang na Pangulo ng kanilang bansa, kaya’t maraming lider ang nagsimulang magpadala ng mga mensahe sa Estados Unidos sa katapusan ng linggo.
Ngunit pinagbawalan umano si Biden na mai-access ang dose-dosenang mga mensahe dahil tumanggi si US President Donald Trump na tanggapin ang tagumpay ni Biden.
Dahil dito, ang kampo ni Biden ay nakikipag-ugnay na lang sa mga banyagang gobyerno sa kanilang sarili kung kaya’t nakatawag sa kaniya ang ilang mga foreign leader gaya nila Angela Merkel ng Germany at Justin Trudeau ng Canada.
Napag-alaman na hindi lamang hinaharangan si Biden ng State Department na makatanggap ng mga mensahe kundi away rin Secretary of State Mike Pompeo na kilalanin ang kaniyang tagumpay.
Pinagbawalan din daw si Biden na dumalo sa intelligence briefing kasama si Trump na kinakailangan para sa kanilang Inauguration Day sa January 20.
Nauna nang nag-absent without leave si Trump sa White House.