LEGAZPI CITY – Pinaghahandaan na ng Department of Health (DOH) Bicol ang mga public health concern matapos ang pagresponde sa emergency concern ng mga aktibidad ng bulkang Taal.
Kaugnay nito, maagang nag-alok ng tulong ang regional team sa pagsuri sa public health ng mga apektado sakaling kapusin ang mga organic personnel ng Calabarzon.
Ayon kay DOH Bicol regional director Dr. Ernie Vera sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, activated na ang response team na tututok sa pangkalahatang aspetong pangkalusugan ng mga residente.
Dadalhin sa mga ito ang health routine na ipinapatupad ng DOH Bicol mula sa proper hygiene, deworming, paglaban sa mga sakit na mabilis kumalat kagaya ng tigdas at iba pa.
Nagpaalala naman si Vera na hindi lamang respiratory illnesses ang epekto ng ashfall kundi maging sa mismong balat at mata kaya’t payo ang pagsusuot ng damit na may mahabang manggas at proteksyon sa mga mata.